Hearts Along The Shore
"Sabi nila, ang mga buhangin sa may dalampasigan ay ang mga milyon-milyong pusong dinurog ng kabiguan, isinabog, ikinalat upang maging isang testamento ng kadikilaan ng sawing pag-ibig. Kaya pala masakit maglakad sa may dalampasigan kapag heartbroken ka dahil tinatapakan mo ang iyong kadudurog pa lang na puso. Kaya pala di makarekober ang karamihan sa amin dahil araw-araw may isang tumatapak sa aming mga puso. Malamang ito na ang aming sumpa, isang penetensiya sa mga taong laging sawi sa pag-ibig."
- by Apocalypse of peyups.com
When I read this article, I began to understand why I find the seashore the best place to pour my heart out. Pag nasa Davao ako at ndi ginagamit yung bike, dumidiretso agad ako sa beach na malapit sa amin para "magpahangin". I first got dead drunk along the seashore of Malapascua, where I cried so hard and spilled to my friends all the burdens I have been carrying during that time when I made one of the toughest decision of my life.
Kasi feeling ko pag nasa dalampasigan ako, may nakikinig at nakakaintindi sa akin kahit na wala akong kasama. Masarap umiyak sa may dalampasigan kasi ndi ko nakikita ang mga patak ng luha ko dahil tinutuyo agad sila ng malakas na hangin. Kung hindi man ay nawawala agad sila sa buhangin. Parang may tumatahan sa akin at nagsasabing, "hindi ka nag iisa".
Mahirap mag isa..malungkot, nakakatakot at nakakapagod din. Indeed, being alone is not for the weak of heart because you can see a lot of reasons to give up. Pero hinding-hindi ako magpapatalo, maaring isa na sa mga buhangin ang puso ko pero hindi naman dito nagtatapos ang lahat. Hindi lang naman buhangin ang makikita sa dalampasigan. Kung titingala ka, may mga ibong naglalaro sa langit, lulubog man ang araw, iiwanan ka naman niya ng buwan at mga nag niningningang bituin.
Then there's the sea that stretches off endlessly... and so are the possibilities ahead of me. :)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home