Doormat and Carpet
Natawag na ba kayong doormat? or naramdaman na ba ninyo yung gawing doormat? Ndi naman yung literal na trapo na nilalagay sa labas ng pintuan ng bahay at ginagamit na pampunas ng maruruming sapatos ng mga pumapasok.
What I mean is, yung ginagawa kang trapo, yung minamahal ka ngayon tapos bukas mawawala siya, and then isang araw kakatok sya sa pintuan mo hihingi ng tawad at tatanggapin mo, pagkatapos ng ilang araw aalis nanaman sya para bumalik nanaman ulit.
Tanggap mo na kasi yung buong pagkatao ng mahal mo, yung bisyo nya, itsura nya, ugali nya and everything that comes with the whole package -- pati yung panloloko nya sa iyo. You know that something fishy is going on when he hides from you while talking to someone on the phone, or pag may nababasa kang "babes", "honey" sa text messages nya na ndi naman galing sa iyo, or pag ndi sya sumisipot sa usapan ninyo kasi may "emergency" daw, at marami pang iba... pero okay lang yun sa yo. You choose to be blind basta sa iyo sya umuuwi at okay lang kasi mahal mo sya, lulunukin mo yung pride mo everytime na nagsisinungaling sya basta wag ka lang nya iwan.
Kung aalis man sya, sigurado ka na babalik rin sya kasi sigurado rin sya na tatanggapin mo sya. You're the one he wants to grow old with but then he still wants to have fun. Kaya pag pagod na sya sa kanyang "journey", pag malungkot na sya at walang-wala na, sa iyo sya babalik kasi ikaw ang comfort zone nya. That's why you always find him at the doorstep on bended knees and you're always willing to accept him and his cold dirty shoes.
So naging doormat na ba kayo? Ako ndi pa. Kasi carpet ako.
Ako yung pinupuntahan nila if they want to have a taste of luxury. Mabait ako, maganda, matalino,at sexy (pagbigyan nyo na ako), kagaya lang din ako ng mga doormat girlfriends nila pero ang pagkakaiba lang eh, bago ako sa paningin nila. May pagka easy rin ako, kaya pwedeng-pwede nila pag praktisan ng mga pambobola nila (pero ndi ko pinapahalata na hulog na hulog na ako). Ang catch lang is mataas ang standard ko (not necessarily physical ha), ma-pride ako, I demand constant attention and I am complicated coz I think too much. Na chchallenge sila sa akin, kasi weird ako, ngayon sweet, tapos bukas galit... pero sinasadya ko talaga yun, tinetest ko lang persistence nila. Kasi I know na I have a lot to offer at iba ako mag mahal kaya sinisigurado ko na he deserves me. Iba na yung pinaghirapan di ba?
But then doormats always end up in homes and the carpets remain in the store unsold.
Masyado kasing intricate at mahal ang carpet, mahirap pang i-maintain kc pag binili mo dapat may vacuum ka or kelangan may special shampoo ka na pang carpet. So you often wonder if it's really worth buying with all the effort you have to put up with it. Minsan masyado syang maganda and fragile na sa tingin mo ndi bagay sa bahay mo. So kuntento ka na lang na panoorin syang naka display, hinahawakan, feel the texture at mag daydream na kasama mo sya sa isang magarang bahay. Akala naman ng carpet bibilhin mo na sya, akala nya she has finally found someone to keep her, 30% off na nga sya eh. But all the while you know you'd still go back to that doormat you have at home. And you think, marami pang magkakagusto sa magandang carpet na yun so it doesn't matter kung iwanan mo man sya.
Syempre hindi pinapahalata ng carpet na nasasaktan sya. Ndi nya ipapahalata na hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto nyang makasama at makausap. You will never know that sometimes, she dreams of being the one on your doorstep bearing your bended knees.
1 Comments:
Char! ri pang peyups. Why go for someone who can only afford a dormat? Other guys look for someone who can make their life complicated. =).
Me: ngano wala ka nanguyab ato ni Che2?
Dar: she is too predictable and aggreable, to the point na boring na.
See?
Post a Comment
<< Home